Pulong Duterte may hamon kay Bam, Risa, Kiko, dilawan

May hamon ang dating bise mayor at panganay na anak ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Paulo ‘Pulong’ Duterte sa mga dilawan lalong lalo na sa mga kritikong senador na sina Sen. Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Bam Aquino, Antonio Trillanes at iba pa na ipagtanggol nito ang sino mang pumatay sa 2 year old na bata sa Tagum City na pinaniwalaang ginahasa bago pinaslang.

Ayon kay Pulong, tanging adik lang ang makakagawa sa ganitong krimen at ang mga ito ay ang mga pinoprotektahan diumano ng Commission on Human Rights dahil may karapatang pantao din daw ang mga kriminal.

“Nananawagan ako sa mga nagtatanggol sa karapatan ng mga kriminal at mga adik, lumabas kayo” anya ni Pulong na pinost nya sa kanyang official facebook account.

 

“Sa Karapatan, sa mga kampon ni Joma Sison na mga nagbabalat-kayong human rights defenders gayong mga NPA naman pala at isa ring mamamatay-tao, saan na po kayo?

Sa mga kampon ng Yellow. Si Gascon at ang CHR, ano na? Saan na kayo. It’s your time to shine.

Kay Trillanes at kay de Lima. At si Bam Aquino at si Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros. Si Drilon. Banat na.

Ipagtanggol ninyo ang may kagagawan ng pagpatay sa batang ito. May karapatan sila diba? Hinahamon ko kayo — ipagtanggol ninyo.

Sabihin ninyo na kawawa naman ang may kagagawan nito.

Kailangang mabigyan ng tulong at suporta ang gumawa ng krimen na ito.”


Ang pamilya ng biktima ay humingi ngayon ng katarungan at tulong sa pagpapalibing ng bata. Kumalat din sa social media ang litrato ng biktima na nasa kabaung na pero hindi pa na iimbalsama. Isang netizen naman ang nagkawang loob at umako sa pag iimbalsama ng bata.


” Ako na bahala ang mag papa imbalsama sa bata” comment ni Tuarian Ledi sa Brigada News Davao na nag post ng balita.

Bumuhos naman ang tulong mula sa netizen. May isang netizen din na willing naman magbigay ng P20,000 para sa pamilya ng biktima

What can you say about this? Leave your comments below!