Ang kamandag ni Jover Laurio

Nagising ako mula sa napakahimbing na tulog. Bago tumayo, kinuha ang cellphone at agad pumesbok baka nag reply na si crush sa messenger. Tang ina bes, balita ni Inquirer.net ang lumabas sa feed ko. Naka unfollow nako, anong meron?

Ilang Duterte bloggers na pala ang nag share ng isang kagimbal gimbal na balita na sumira sa umaga ko. Hinirang ng Inquirer.net si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog) bilang Filipino of the Year. Kalowka!

Ayon sa balita dahil daw ito sa tapang ni Gandang Jover sa pagpuna ng fakenews na kinakalat daw ng mga Duterte Bloggers. Tapang? Ganito na ba ang bagong depenasyon ng ‘tapang’? Yung magtrabaho ka sa mga dilaw at maging makina ng propaganda ni Cocoy Dayao na tao dati ni Pnoy at web adminstrator ni Bam Aquino?

Sa bagay, sino uli ang nagbigay ng award? I N Q U I R E R! What do you expect Bes?

Hindi na tayo magtaka kung sina Jover, kasama sina Cynthia Patag, Raissa Robles etc ay binigyan ng recognition ng Inquirer. Pero kine-kwestyon natin ang pag gamit ng Filipino of the Year. Isang malaking dagok sa mga totoong heroes tulad nalang ng mga sundalo sa Marawi.

Naalala nyo ba si Capt. Jeff Buada? Habang nagkaputokan sa Marawi nakita nya na ang daming hawak na hostage ang isang pangkat ng Maute Group. Hinubad nya ang kanyang helmet. Kumaway sa mga terorista. Humarap sya at lumapit habang iniwan ang kanyang baril. Kinausap nya ang mga terorista na kung pede ay palayain ang mga batang hostage at bibigyan sila ng tubig at makakain. Sa ilang oras, tumigil ang putukan, nakainom ng tubig ang mga kalaban habang dahan dahan namang nakalaya ang mga hostage.

Hindi mababayaran ang tapang ni Capt. Jeff. Pwede nyang ikamatay yon at tuluyang maiiwan nya ang kanyang anak at asawa. Isa lang ito sa mga kagitingang pinamalas ng ating mga sundalo noong pinalaya ang Marawi City sa kamay ng mga Maute.

Pero, mas matapang daw si Jover Laurio sa kanila. Ang babaeng kasama sa likod ng mga libelous blogs tulad ng Silent No More Ph na malinaw pa sa ihi ng aso ang kulay — Dilaw. Filipino of the Year, ika nga!

Sa mga tunay na Pilipino, alam natin ang totoo. Alam natin ang tunay na misyon ng pagpupugay ng Inquirer sa kanya. Alam natin kung gaano ka sagana sa yaman na galing sa pagnanakaw ang mga kalaban ni Digong. Hindi sila titigil.

Habang pinupuri natin ang mga sundalo, para sa Inquirer, CHR at kampon ni PAB, sila ay mamamatay tao na alagad lamang ng Martial Law. Sa madaling salita, nagkakasakit ang mga dilaw nato sa tuwing may mga magagandang nangyayari sa bansa dahil sa Pangulo. Humahanap ng butas ang pota.

Hayun, tuluyan ng hindi ko nainom ang kape sa umaga. Tuluyang nasira ang buong araw ko dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ng Jover na yan na pinapaulanan ng huwad na pagpupugay. Luluhod lamang ako sa kanya kung kakainin at lulunokin nya lahat ng RESIBO na gawa gawa nya.

Pwe!!!